Nandito ka ba para maghanap ng entertainment?

Monday, May 17, 2010

Kilala mo ba ako?

Kung hindi, napakaswerte mo, dahil hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo sa pag-intindi sa akin.

Masalimuot akong tao, mahirap intindihin ang iniisip o kahit na anong sinasabi ko. Kung hindi mo ako kilala, mas maiintindihan mo kung ano ang mga saloobin ko dahil hindi ito mababahiran ng kung anong paghuhusga base sa personalidad o trato ko. Sa ganitong paraan, mas matutulungan mo ako kung sakaling pagtatanungan kita tungkol sa mga mahahalagang desisyon sa buhay. Bakit nga ba mahalaga 'yun, kamo? Dahil kaibigan kita, at kailangang tulungan mo ako. Ayaw mo naman sigurong mamatay ako ng wala sa oras at maging kargo-de-konsensya mo pa ako, 'di ba?

Sige, isasalansan ko muna ang mga problema ko sa buhay para malaman ko kung ano ang una ko'ng idudulog sa'yo. Umaasa akong magiging malaki ka'ng bahagi sa pagkalutas ng mga kagaguhan ko, ha?

No comments:

About Me

Sa Kasuluksulukan ng Utak Mo,
Habangbuhay bata.